Wednesday, July 28, 2010

Balikbayan Box (Kwentong hango sa tunay na buhay ni Juan Dela Cruz (a.k.a. John)


Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka, marami ka nang pera. Ang totoo, madami
kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili ng mga gamit mo.(Pero di lahat) Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kasi pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card , ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kasi may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America
maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America.

Akala nila masarap ang buhay dito sa America. Ang totoo, puro ka trabaho kasi pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit
card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka naman pwedeng tumambay sa kapitbahay dahil busy din silang
mag-hanap buhay para pangbayad ng kani-kanilang bills.

Akala nila masaya ka kasi nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba
pang attraction. Ang totoo, kailangan mong ngumiti kasi nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun. Kailangan mo na naman ang 10 hours na kayod sa trabaho na
pinangbayad mo sa ticket.

Akala nila malaki na ang kinikita mo dahil dolyar na sweldo mo. Totoo, malaki pag pinalit mo ng peso, pero
dolyar naman ang gastos mo sa America . Ibig sabihin, ang dolyar mong kinita, sa presyong dolyar mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas ay $1.00 sa America, ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas na P40.00, sa
America $6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000+.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kasi ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.

Madaming naghahangad na makarating sa America. Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America.

Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na. Kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.

Ang bottom line para sa akin ay
THERE’S NO PLACE LIKE HOME,
PHILIPPINES, MY PHILIPPINES,
BABALIK KA RIN PAGTANDA MO AT DUON MO UUBUSIN ANG NATITIRA PANG BUHAY MO SA ATING BANSANG SINILANGAN.

Pero pag retired ka na at dala mo dolyar mo sa Pilipinas, mas maganda laluna kung palainum ka ng kape. Dun sa Pinas, voice- activated ang coffee maker. Mag salita ka lang ng “Inday, kape nga dyan!” lumalapit ang kape sa iyo at alam na alam pa nga ang timpla mo!

Anong masasabi mo kabayan… totoo, di ba?

Note: In respect to those who make similar stories like this from another Blogger's which already circulating on the net thank you so much and I was inspire to post just to share to all my relatives, Friends abroad.

1 comment:

  1. bigyan nyo nalang ako marami pera para hindi na ako pupunta sa ibang bansa katulad ng america nako marami panaman mga gwapo doon mga bagets gusto ko yon.

    ReplyDelete